Wika ang pinakamagandang regalo ng may kapal sa mga nilalang, hayop man o tao. Ito ang tanging kasangkapan sa pakikipag-ugnayan nya sa kapwa.Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura.Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng madaling pag-unawa, ugnayan at mabuting samahan.
Ang wikang filipino ay opisyal na wika sa pilipinas.Bago ang wikang filipino dumaan muna ito sa maraming rebolusyon at proseso. Una ay Tagalog ngunit ito'y nakabatay lamang sa Luzon. Sumunod ang Pilipino ngunit ito naman ay tawag sa mga taong naninirahan sa Pilipinas. Hanggang sa kahuli-hulihan naging Wikang Filipino na ito.Unang umusbong ang wikang pambansa noong magbaliktanaw ang dating pangulong si Manuel Quezon sa isang damdamin nang pagkabigo ng bayaning si Dr. Jose Rizal na makipag-ugnayan sa kanyang kababayang babae.
Filipino ang tawag sa kabuuang wika sa buong bansa. Wika ang ginagamit sa pakikipagtalastasan sa ating kapwa,Filipino naman ang tawag sa kabuuang wika ng Pilipinas.Ang katutubong wika,pasalita at pasulat sa kalakhang Maynila at sa ibang urban sa bansa na ginagamit bilang wika ng komunikasyon dito natin ipinaparating ang ating nararamdaman,nais sabihin,ekspresyon,pasasalamat at marami pang iba.Malaki ang nagagawa ng wikang filipino sa ating bansa upang ang mga pilipino ay magkaroon ng magandang ugnayan, tamang pag-unawa at mabuting pagsasamahan.
Ngunit nakalimot na ba ang mga pilipino sa ating kultura at tradisyon? Sa ating wikang kinamulatan? Isinantabi ba natin ang tatak natin bilang isang pilipino? Atin pa rin ba itong pinahahalagahan o binabalewala na lamang?
Sa panahon ngayon may bago nang pinapalaganap, ang taglish. Ang taglish ay pinagsamang salita na Tagalog at Ingles. Ito ay isang impormal na diyalekto sa Pilipinas. Kadalasang ginagamit ito sa kalakhang Maynila at pati na rin sa social media. Sa kabila ng lahat ng ito, tayong mga pilino ay hindi hinahayaang maisantabi ang layunin ng wikang filipino. Atin pa rin itong pinagyayaman at hindi kinakalimutan. Tuwing buwan ng agosto ay ating pinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Kadalasan itong ipinagdiriwang sa mga paaralan,at kasama na rin rito ang mga sabayang pagbigkas,balagtasan,paggawa ng slogan, pagbikas ng tula,pagsayaw ng katutubong sayaw at pag-awit ng katutubong kanta.
Atin pa rin itong ipinayayabong. Bilang isang pilipino, hindi natin hinahayang maging isang alipin ng iba't ibang lahi. Atin pa rin itong ipinagmamalaki sa kabila ng lahat na pagsubok sa ating kultura.
Miyembro.
Hana Mae P. Bulotano
Keicy Anne Yanig
Rene Guliman
Lesly Chyne Lacierda
Dixie Ann Gelbolingo
Christine Avira
Ma. Angela Mejias
Ronald Travero
(F.BANGOY NATIONAL HIGH SCHOOL*9-TANGUILE/2016-2017/*WALONG BIBE GROUP)
Atin pa rin itong ipinayayabong. Bilang isang pilipino, hindi natin hinahayang maging isang alipin ng iba't ibang lahi. Atin pa rin itong ipinagmamalaki sa kabila ng lahat na pagsubok sa ating kultura.
Wikang Filipino: Ipanayabong,ipinapayabong at ipayayabong. Tatak Pilipino, Tatak ng tagumpay!
Miyembro.
Hana Mae P. Bulotano
Keicy Anne Yanig
Rene Guliman
Lesly Chyne Lacierda
Dixie Ann Gelbolingo
Christine Avira
Ma. Angela Mejias
Ronald Travero
(F.BANGOY NATIONAL HIGH SCHOOL*9-TANGUILE/2016-2017/*WALONG BIBE GROUP)
